this story really moved and inspired me….
Tuesday, August 23rd, 2005ONE LAST CRY
Copyright © 2004. All rights reserved. http://groups.yahoo.com/group/queer_factor
Chapter 1
“Do I hear NINE HUNDRED???” Bulungan ang mga tao sa loob ng hall. Pero walang nagtataas ng kamay upang mag bid. Tumataas ang tension, the bid started at P 700.00 and now umabot na sa P 850.00. “Guys, the ‘slave’ we have here is worth more than that. Wag kayong kuripot ‘no! We’re trying to raise some serious fund here.” Sigaw ng lalaking in-charge sa bidding habang itinuturo ang lalaking sentro ng ‘bentahan’. Umalingawngaw ang tawanan. Namumula naman sa kahihiyan si Jeff. Hindi sya mapakali sa kinauupuang stool habang napapalibutan ng mga estudyante from second year to fifth year ng Architecture class. Sya ang sentro ng atensyon dahil sya ang kasalukuyang nakasalang sa bidding chair. Hindi nya makuhang tingnan ang mga tao sa paligid, pakiramdam nya ay sinusuri ng mga ito ang buo nyang pagkatao. “NINE FIFTY!” sigaw ng isang babaeng estudyante from fourth year. “Nine fifty! Do I hear ONE THOUSAND?” muling tanong ng lalaking in-charge. Gwapo si Jeff. Alam ng buong campus yon. Campus crush. Campus heartthrob. Aminado naman ako na sa una ko palang pagkaka-kita sa kanya ay nagka-crush na ako sa kanya. Haay… sino ba ang hindi magkaka crush sa isang Geoff Eigenmann look-a-like? Second year student ng college of Architecture si Jeff. Transferee sya from another university. Graduating na ako noon. Nakayuko pa rin si Jeff. Nakatingin sa sahig. Nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Dahil sa tingin ko ay hindi talaga sya kumportable sa sitwasyong kinalalagyan nya. Sino ba naman ang magiging kumportable na para kang isang commodity na pinepresyuhan at pinagtatawaran? But he doesn’t have any choice. Tradisyon na sa University – among Architecture students na mag conduct ng bidding para makapag raise ng fund ang student organization. Pulos first years at transferees ang dumadaan sa bidding at ginagawang ‘slave’ ng kanyang ‘master’ na nakabili sa kanya for one week. May consent ito ng eskwelahan at required lahat ng mga estudyante to participate. Dahil graduating na ako, may privilege akong bumili ng ‘slave’. In fact even before nag start ang activity, I am already eyeing Mr. Jeffrey Angeles to be my ‘slave’. “Ok, for your info guys, Mr. Jeffrey Angeles loves to play basketball and is a great swimmer as well. He is also good in drafting and color rendering. Now, do I hear ONE THOUSAND????? ANYONE…? Going once…. Going twice…” “ONE THOUSAND!” sigaw ko. Lahat yata ng mga tao ay sa akin nabaling ang atensyon. Ako naman ang nakaramdam ng pagkahiya. Pati ang mga kaibigan kong katabi ko ay nagulat sa akin. “SOLD FOR ONE THOUSAND PESOS TO MR. NAJ ROBLES!!!” Naghalo-halo ang sigawan at tuksuhan. I realized I made a mistake. I am gay but I’m not out. “Naj, bakit mo binili?” tanong ng friend kong si Roxy. “Ha? Magaling daw sa drafting eh, papagawa ko sa kanya yung ibang plates ko.” Mabilis kong sagot. “Ganon?” parang hindi sya kumbinsido sa sagot ko. “Oo… Halika na, bayaran ko na.” aya ko sa kaibigan ko. “Uyyyy… pakilala mo ko ha?” hirit pa nito. Inabot ko ang bayad sa isang fifth year student din na officer ng organization. “Hi Naj, na meet mo na slave mo?” tanong sa akin ng officer. “Hindi pa.” “Sandali, tawagin ko.” Bago ako nakasagot ay tinawag na nga si Jeff at ipinakilala sa akin. “Jeff, this is your master… Naj. Graduating na yan. Naj, this is Jeff naman, transferee.” Naka ismid si Jeff. Halata kong inis. “Jeff, you are required to report to your master and have him sign your logbook twice a day. Una, sa umaga before you go to your class and then sa afternoon before ka umuwi. Is that clear?” Tumango lang si Jeff. Ako naman ay nagsimula na ring mainis sa kanya. Ano ba ang tingin nya sa sarili nya? Artista? “Lets go Roxy, I will deal with him tomorrow.” Alam kong nadinig ni Jeff ang sinabi ko at napa singhal sya. Noon ko na realize na nagkamali nga yata ako sa ginawang ‘pagbili’ rito. ………………………………………………………… I cannot say na exciting ang buhay ko. Paano magiging exciting if you’re in the closet? But my life is not boring din naman. Being an only child has its perks. And being popular in school has also its advantage. I may not be included sa top ten ng most beautiful people sa campus but certainly, I am confident with myself. Several instances na girls would flirt with me as well and since I am in hiding, sinasakyan ko na lang. But I never give anyone false hopes. I am friendly with everyone and I guess that attitude has made me more popular than my looks. The following day may klase ako ng 10 am. Dumating ako sa school ng 9:30 at nakatambay sa ilalim ng puno kasama si Roxy. Nagku kwentuhan kami ni Roxy ng dumating si Jeff bitbit ang maliit na logbook nya. Nahinto kami sa kwentuhan ni Roxy at napatingin kami kay Jeff. Walang salitang inabot sa akin ang logbook nya. “Ibili mo muna kami ng softdrinks sa canteen bago I sign ni Naj yan. Hehehe!” sabi ni Roxy. Nagulat ako sa malditang bestfriend ko, hindi ko na nakuhang magsalita pa dahil naunahan ako ni Jeff sa pagsagot kay Roxy. “You’re not my ‘master’ kaya you have no rights giving me orders.” Sarkastikog sagot ni Jeff. Nainis ako. Pabiro lang ang sinabi ni Roxy pero seryoso at mataas ang tono ni Jeff. “Hey, what’s your problem? Hindi ka ba pwedeng biruin ha?” sagot ko kay Jeff. Natahimik si Jeff. Yumuko. Pero alam kong inis pa rin sya. Ako man ay inis na rin sa kanya and I cannot tolerate yung ganoong attitude. “Since I AM your ‘MASTER’, I want you to obey whatever my friend asks you to do… ok?” Di sya sumagot. “Is that clear Mr. Angeles or do I have to inform the organization about your attitude?” “Ok…” halos pabulong na sagot nya. Alam kong takot si Jeff dahil alam nyang mahihirapan sya kapag nakarating sa school org na uncooperative sya. “Yun naman pala eh… well then… you heard my friend… heto ang P50.00 bumili ka ng softdrinks sa canteen at pagbalik mo, pipirmahan ko yang logbook mo. Be sure to be back in 10 minutes, may klase pa kami or else… walang autograph.” Pambubuska ko. Napansin ko na pinipigilan ni Roxy ang pagtawa. Umalis na si Jeff parang lulugo-lugo. Nakaramdam rin ako ng awa sa kanya kaya lang I have to do that para mabawasan ang sungay nya. Crush ko nga sya but it doesn’t mean na I have to tolerate his attitude. Pero the truth is nasaktan din ako sa sinabi ko. I want us to be friends at least and not like this. “Ang taray mo naman!” bati sa akin ni Roxy. “Ikaw kasi, sinimulan mo. And besides, wala syang karapatang mag inarte. I paid P1,000.00 for him remember?” Roxy and I are the best of friends. Napagkakamalan na nga kaming mag-syota dahil sa sobrang closeness pero si Roxy lang ang nakakaalam ng pagkatao ko…. ng pagiging bakla ko at tanggap nya ‘yon with no conditions at all. ………………………………………. That night I received an unexpected call. “Naj?” “Yes, who is this?” “Si Jeff.” “O, bakit?” mahinahong tanong ko. “Can I just buy out yung bid mo sa akin?” “What do you mean?” “I’ll double yung P1,000 pesos na binayaran mo in exchange of your signatures in my logbook.” “Are you aware Jeff na bawal yang sinasabi mo? The School Org will run after you pag nalaman nila yan?” naiinis na sagot ko. “You won’t tell them naman right?” “Whats your problem ba Jeff? Lahat naman kami dumaan kami dyan and here you are bribing me to break the rule?” “Wala akong problema Naj? I don’t know why you are so mean to me? You have no use for me naman.” “Ang problema sa yo Jeff , mas marami ka pang reklamo. You should learn how to obey first before making any complaint.” Then he hangs up… I realized I have just declared war.
Chapter 2
The following day, I was disappointed sa nangyari sa amin ni Jeff. Then I made a decision. I never waited for him to come to me. Ako na ang naghanap sa kanya sa campus. I found him sa library. Nilapitan ko sya at naupo ako sa harap nya. Nakita nya agad ako at mabilis syang nagsalita. “If you are here to lecture me on what is wrong and right or if you will threaten me na isusumbong mo ako sa school org, then I’m telling you Naj, hindi ako natatakot. You can do or say whatever you want but I don’t care anymore.” Matigas ang boses ni Jeff. Galit. “Nope, I’m not here to argue with you. I just want to tell you na I’m releasing you from being my slave. I won’t say a word sa school org because I know it will jeopardize your status knowing na transferee ka. Now, if you could just lend me your logbook so I can sign them in advance. Ok?” mahinahong sagot ko. Hindi sya nakapagsalita. Alam kong he’s not expecting that. Kahit ako ay medyo nagulat sa sinabi ko dahil usually sasabayan ko rin ng galit yung galit nya. But then, I know that’s the best thing to do. Mabilis ding nakabawi si Jeff sa reaction nya. “Ok, here is my logbook. I don’t have the money right now but I can give it to you tomorrow.” Parang umakyat ang dugo sa ulo ko sa sobrang insulto. Akala nya ay ginagawa ko ito dahil sa pera?!? “Damn you Jeff! I don’t need your money!” kinuha ko na ang logbook at lumakad palayo dahil napansin kong pinagtitinginan na rin kami ng ilang tao sa library. Para akong sinampal sa sinabi ni Jeff. Sa insinuation nya na pera-pera lang ang labanan. Ang kapal ng mukha ng gago. Kung may crush man ako sa kanya dati, biglang naglaho na parang bula ang lahat ng yon. For me, he’s not worth it. ***** Napansin yata ni Roxy ang pagiging matamlay ko kaya I told her yung nangyari. She said nothing at first pero I almost choke when she said that I probably like Jeff and that’s a sign of frustration. How could she say that? She’s my friend! “Naj, kilalang-kilala na kita. You cannot hide your emotions from me. But you know Jeff…. The two of you….It’s just impossible…” “Impossible? And what made you say that?” “Well. Number one… he is STRAIGHT… period!” “That makes sense…” “Bakit kasi ayaw mong patulan yung iba dyan.” “Roxy, will you please stop pushing me? You’re my friend but that doesn’t give you the right to meddle with my personal life.” “A ganoon? Sige friend mo LANG kasi ako!!! Sorry po!” Sabay tayo at alis ni Roxy. Magsisimula na ang klase ko kaya di ko na sya hinabol and besides nagkapatong-patong na kasi ang galit at inis ko. I wasn’t able to concentrate sa klase. Kaya I chose not to attend sa huling subject. Diretso na lang akong umuwi ng bahay. Mabigat ang dibdib ko at nagkulong ako sa kwarto. I slept and woke up with a fever. I checked my cellphone, I have a text message from Roxy, ganoon naman talaga kami, para talagang mag syota, away-bati and three missed calls from an anonymous number. Who could it be? Isang tao na namang walang magawa sa buhay? I called back but the phone is off. I text Roxy back and replied na di ako makakapasok since I am not feeling well. She thought it was because of her but then I told her na may sakit talaga ako and she could visit me sa bahay after her class if she likes. She agreed and promised to bring my favorite rhum cake. I was home alone. I was just renting a studio-type condo since my family is from Bacolod. I slept the whole day at bumangon lang ako ng makaramdam ako ng gutom. Around 4 pm nang may mag-doorbell. Si Roxy na siguro. Pagbukas ko ng pinto, ako naman ang nagulat. Si Jeff. Ang gwapo nya talaga kahit mukhang hindi pa sya naliligo. Noon ko lang napansin na balbon pala sya dahil may bakas ng mga tumutubong balbas at bigote na hindi na-ahit. Parang nawala ang lahat ng galit ko sa kanya at gusto ko syang yakapin… halikan… pero teka… bakit nandito sya? “What are you doing here?” pinatamlay na tanong ko…ayokong mahalata nya ang excitement. “What’s wrong with you?” tanong nya dahil I really looked like I’m sick. “Isn’t it obvious? May sakit ako.” “Can I come in?” mahinahong tanong nya. “Halika para mahawa ka…” bulong ko. “What?” tanong nya uli. “Sabi ko, tuloy ka…” Itinuro ko sa kanya ang isang upuan habang kinuha ko naman ang upuan sa harap ng PC ko. “If you’re here to humiliate me further… then do it now ..… I’m hungry and I have to feed myself pa… ok?” “Look Naj, I am here to apologize….” Ganon? Sya… si Jeffrey Angeles – mag a apologize? “I know I was a total ass with you pero sana you’ll accept my apology. I have learned my lesson well and I realized my mistakes.” Wow. Parang na overdoze yata ako sa Tylenol ah.. I couldn’t say anything. “Can you at least say something?….” tanong nya sa akin. “Ha? Sorry… hmmmnnn… it’s so unlikely of you to be doing this Jeff but then I really have nothing against you. Apology accepted.” Then he smiled. Ngayon ko lang uli nakitang ngumiti si Jeff and he really is something. Well, call me traitor but I think bumalik na 100% yung crush ko sa kanya. “Thanks Naj… I wouldn’t take much of your time… you need to rest pa.. I’ll just talk to you pagpasok mo…. anyway… are you ok now… di ka ba dapat magpatingin sa doctor? I can drive you to the clinic.” “No. I’m ok. I feel better now… I just have to eat something and I’ll be…..” “I can cook for you…” suggestion nya. Sya? Ipagluluto ako? Sa hitsura nya mukhang wala syang alam sa kusina. Eh kung lasunin nya ako? “No it’s ok. Ima-microwave ko na lang yung spaghetti sa ref…” “That’s not very healthy. Paano ka gagaling nyan? Hindi ka naniniwalang marunong akong magluto no? Hehehe! Let me redeem myself and prove to you…please…” Who am I to say no? That time hindi na demonyo ang tingin ko sa kanya kundi angel. Hahaha! “Are you sure about this? You really don’t have to…” but then he gave me a wink. A WINK???? “Ok… go ahead… may konting laman pa ang ref ko. Feel free to use anything you can find there.” “Sige, just stay in your bed and I will call you once its ready na.” excited yata ang boses nya. “I’ll just stay here. Will check my e-mails kasi…” but the truth is gusto kong panoorin ang gagawin nya. Sa sulok ng mata ko, binubusisi ko si Jeff. Ang tindig nya… ang hubog ng katawan nya… at ang bawat kilos nya…. Bagay na bagay sa kanya ang puting t-shirt at asul na maong. Lutang na lutang sa simpleng kasuotan nya ang kanyang kakisigan. Ang matipunong dibdib at braso na dinantayan ng pino at manipis na balahibo. Ang tila hindi nasuklay na buhok na binagayan ang gwapo nyang mukha. Pakiramdam ko ay lalong tatas ang lagnat ko habang pinagmamasdan ko sya. Napansin yata ni Jeff na pinapanood ko sya at huling-huli nya ng lumingon sya sa akin. Bigla kong binawi ang aking tingin pero nakita na nya ako. Isang ngiti lamang ang isinukli nya sa aking pagtanghod.
Chapter 3
Forty five minutes later… na check at nasagot ko na ang mga e-mails ko… at si Jeff, pa sipol-sipol pa habang nagluluto. He really is cute, pati movements nya is such a turn on. Kung kahapon ay sasabihin mo sa akin na pupunta sa bahay ko si Jeffrey Angeles at ipagluluto ako… then I would say straight in your face na it’s ABSOLUTELY IMPOSSIBLE. But there he is in my kitchen…. “Food is ready…” announce ni Jeff. Food nga ba o…. heh… sama ko talaga. Ako na nga ang pinakitaan ng kabutihan ako pa ang nag-iisip ng masama. Erase! Erase! Hmmmnnn… mukhang mabango…. Mukhang masarap. Or talagang gutom lang ako? Tumayo ako at lumapit sa lamesa. Ano to? Sopas? “Kanino ka natutong magluto?” tanong ko. “Well… my family owns a restaurant and I practically grew in the kitchen.” Hmmnnn… mukhang may alam nga. Aber… tikman…. Aba… masarap… as in masarap talaga. “Anong masasabi mo?” nakangising tanong nya. “Ok sya…” “Ok? Yun lang??? Hey this soup is the BOMB… tapos sasabihin mo ok lang? Come on… hehehe!” “Yeah… it’s good… masarap nga sya… parang pang fine dining ang lasa… salamat Jeff ha…” “No… that’s ok… I owe you big time. Pasensya ka na rin sa akin…” “No problem…” “Naj….” “Yes Jeff?” “I really am sorry for acting strangely. Hindi naman talaga ako mayabang or hambog…. Maybe mali lang talaga yung sitwasyon ng pagkakakilala natin. But now I’m grateful na even if we started on a rather diffcult manner, at least nakilala kita. Last night I called you in your cell to apologize but then you are not answering your phone. Then I found out na absent ka today because may sakit ka kaya I decided to come over uninvited. I was so guilty dahil sa nangyari yesterday and I’m really sorry…” Sya pala ang tatlong missed calls ko kagabi. I really couldn’t believe he is saying these things. He looks and sound so sincere naman. “Wala ‘yon. I have my share kung bakit it happened. Let’s just forget about it and move on…” “Thanks Naj…” “Thank you too Jeff… by the way, I have already signed your logbook, wait kukunin ko lang.” Inabot ko kay Jef ang logbook nya. He took it and flipped the pages. “Naj….” “Yes…” “We can still be friends right?” “Sure….” Tama ba yung naririnig ko? Jeff and me? Friends? Wow? Then he tore the pages that I signed in his logbook. I gave him a questioning look. “I want to earn my way out…. The proper way…. Gusto kong I fulfill yung duty ko as your slave…” “But….” “Tama ka Naj. I am no special person and that’s unfair to everyone…” “Are you sure?” “Yes I am….” “Ok… don’t worry… I’ll be nice to you…..” “Hahaha! You should be… after all… were friends now di ba?” …and his eyes disappeared as he laughed and smiled at me. Pakiramdam ko ay magaling na ako. Instant wonder. Goodbye Tylenol. “…. Hey. I have to go. I want you to finish your meal and drink your medicine after. Ok?” “Teka muna…” sita ko sa kanya. “What?” nagtatakang tanong nya. “I’m the master here. I’m supposed to be the one giving orders.” Biro ko. “Hey, the rule states that the master-slave arrangement is within the school grounds lang no?” Hmmnnn. Tama sya. Naisahan ako. “Very well… you did your research Mr. Angeles ha. Sige, I’ll see you in school.” “Ok then. Bye bye Naj.” “Bye Jeff.” Pakiramdam ko ay parang bola ng basketball ang puso ko na tumatalon-talon sa dibdib ko. Corny? Absolutely. But that’s how I felt that time. Not because I’m in love…hmnnn… siguro nga… but maybe because of having someone like Jeff for a friend. Wala pa yatang two minutes nakaka-alis si Jeff ng may mag doorbell sa pinto. Bakit sya bumalik? May nakalimutan ba sya? Pagbukas ko ng pinto… si Roxy with a blank face. “Hi Rox!” bati ko sa kanya. Dire-diretso syang pumasok sa loob. Naupo sa harap ng lamesa at ipinatong ang pasalubong na cake. “Oh.. bakit ka ganyan makatingin?” tanong ko. “Nakasalubong ko si Jeff… he said galing sya dito. He doesn’t look mad and you’re don’t look mad either. What’s going on?” nakakalokang sita nya. “Yes, galing sya dito. Hayan o, pinagluto nya ako ng soup.” “Sya ang nagluto nito? Why would he do that? Are you sure this is safe to eat?” “Ano ka ba? Paranoid ka na. Hehehe! Yes, he cooked that. I watched him while he’s preparing that kaya I know walang lason yan.” “Nalilito ako?!!! Bakit?” “Ganito, he came here and apologized. Then he offered to prepare this soup nga.” “Ganon? Ganon kadali at pumayag ka? I smell something fishy…. Magpaka-honest ka nga sa akin… what’s going on? you like him no?” “Like? Yes… that’s an open secret naman between us di ba… but don’t worry may fever lang ako pero hindi naman ako hibang. Ok?”…. yup hindi ako hibang to condition myself na magkakagusto sa akin si Jeff. It seems I was able to convince her. Rox is like a sister to me, she doesn’t want me to get hurt and she always treated me like a baby despite the fact na I am a full-grown man and that she’s the one who looks more like a baby. “Ok. Tikman ko nga ito….. hmmmnnnn…. Aba…. Masarap nga…. Marunong palang magluto ang mokong na ‘yon…” “Told you…”
Chapter 4
Days passed and the friendship I have with Jeff seems to grow each day. He and Roxy became friends as well. A friendship that made me jealous. Di ko alam kung nagseselos ba ako dahil close si Roxy kay Jeff or dahil close si Jeff kay Roxy. Nakakalito. There are times na mas madalas pa silang magkasama at parang ako ang na etsa-pwera. Then Jeff came to me one day and asked if we could talk. “Naj, is it possible for two friends to fall in love?” “Nope, its not.” “Do you suppose I should tell my friend na I am falling in love sa kanya?” “Well, it is better to speak it out kaysa naman sinosolo mo.” Ouch… ang galing kong magpayo pero ako hindi ko magawa. “You see.. I am having this weird feeling kasi. This is not the first time na ma-inlove ako but then it’s like I’m falling for the first time? You know the feeling right?” “Hmmnnn… not exactly. Hindi ba pare-pareho lang ang love?” “Nope. There are different levels of love. Dati ang tapang-tapang kong manligaw pero ngayon, natatakot ako. I don’t know. Fear of rejection perhaps.” “You shouldn’t be Jeff. No girl in this campus has the power to resist someone like you. You have the looks and the qualities of a perfect boyfriend. Im sure you can easily win any girl.” “Uy, grabe ng pambi-build-up yan. Pumapalakpak na tenga ko. Friend nga talaga kita. Eh paano kung i-reject nya ko?” “So what? Lahat naman tayo ay nakaka experience ng rejection. Nobody is immune from being rejected. What important is nasabi mo sa kanya na gusto mo sya… na in love ka sa kanya. Kung after noon ay i-reject ka nya, then at least you did not deny yourself the chance of knowing if that person is also in love with you. The worst part kasi is dumating ang panahon na you will regret not telling her about your feelings and it’s too late. You should either take your chance or be sorry for the rest of your life.” “Bakit ang galing mong magpayo Naj?” “Ha? Bakit naman sa akin napunta ang usapan? Siguro ganito… hmmnn… mas madaling magpayo dahil clear yung isip ko. Ikaw kasi you have so many thoughts kaya mahihirapan kang mag decide and you did the right thing na humingi ng payo.” “Do you think gugustuhin pa nyang maging mag-kaibigan kami kahit ligawan ko sya at ayaw nya sa akin?” “Why not naman… I’m sure she will not take that against you because you were just being true to her and yourself.” “Sana nga… sige Naj, I’ll go ahead. Thanks for your time.” “Ok lang. By the way, who’s the lucky girl?” Isang kindat lang ang sinagot nya at… “Malalaman mo rin Naj… sige bye.” “bye…?” Pagkaalis ni Jeff, noon ako nakaramdam ng sakit. Kahit pa kinundisyon ko na ang sarili ko na he and I will only be friends pero bakit nasasaktan pa rin ako. Siguro we cannot really entirely wipe out our feelings for the person we love. But then it is better na nangyari na ‘to. This is bound to happen anyway. “Hoy… bakit parang ang lungkot-lungkot mo.” Nagulat pa ako. Si Roxy. “Ha? Wala. Naisip ko lang yung final plate ko. Di ko pa kasi tapos.” “Ganoon ba? Gusto mo tulungan kita?” “Wag na. Kaya ko na ‘yon mamaya, at saka anong malay mo sa drafting? Baka yan pa ang maging dahilan ng hindi ko pag graduate. Hehehe! Oh, ikaw? Bakit mukhang masaya ka. Don’t tell me na nakapasa ka sa quizz?” “Ito naman o, grabeng manlait. Wala kaming klase, wala si prof.” “Eh di super palakpak na naman ang mga tenga ninyo.” “Well, that’s one reason pero syempre, alam mo naman kung gaano ka terror yung matandang professor na ’yon.” “O sya, sya… so ano yung isang reason?” “Hmmnnn… wala lang. Sabihin na lang natin na inspired ako.…” at ngumiti ng pagkatamis-tamis ang bruha. “Inspired? With whom?” Saglit na tumahimik si Roxy. Then he looked at me. “Sa tingin mo, ok bang maging boyfriend si Jeff?” tanong nya. “Si Jeff? Kayo na ba?” Isang ngiti lang ang sinagot ni Roxy. “Hey, kayo na ba?” Kasabay ang pagtunog ng mahabang bell. Klase ko na. Hindi ako sinagot ni Roxy. Pero sa ngiti nya at kislap ng mga mata, hindi nya na kailangang sagutin ang tanong ko. Masaya ako para sa kaibigan ko pero ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil ramdam ko ang sariling pagka-bigo. Halos pigilan ko ang aking sarili na ma-iyak. Doon na lumabas ang lahat ng emosyon ko. Nagtatapang-tapangan lang pala ako. Nagsisinungaling lang pala ako sa sarili ko. Pero kahit ano ang gawin ko, hindi ko pala kayang itago ang tunay kong nararamdaman kay Jeff. At lalong higit na hindi ko magagawang saktan rin ang aking kaibigan. Nagpasya akong wag ng pumasok. Anytime ay maaaring tumulo ang luha ko. Ewan ko ba, akala ko, kaya kong tanggapin eventually na mabigo sa pag-ibig. Matagal pa ay pinrepare ko na ang aking sarili na walang magiging happy ending ang mga pantasya ko. Bakit ngayon ang sakit-sakit? Pag nasa kalagitnaan ka na pala ng sitwasyon, doon mo mari-realize na hindi ganoon ka-simpleng ihanda ang ‘yong sarili. Masasaktan ka pa rin. Mas higit ang sakit sa inaakala mo. Lalo pa at kung talagang napamahal na sa ‘yo ang taong nakatakda ring sumugat sa ‘yong puso.… …my shattered dreams and broken heart …are mending on the shelf …i saw you holding hands …standing close to someone else …now I’m still all alone …wishing all my feelings was gone …gotta get over you …nothing for me to do …but have one last cry… …one last cry …before I leave it all behind …i’ve gotta put you out of my mind this time …stop living a lie, I guess …i’m down to one last cry …i was here you were there guess …we never could agree …while the sun shines on you …i need some love to rain on me …still I sit all alone …wishing all my feelings were gone …gotta get over you …nothing for me to do …but have one last cry …one last cry …before I leave it all behind …i’ve gotta put you out of my mind this time …stop living a lie, I guess …i’m down to one last cry …i know I gotta be strong …but ’round me life goes on and on …and on and on and on …i’m gonna dry my eyes right after …i have my one last cry …one last cry …before I leave it all behind …i’ve gotta put you out of my mind this time …stop living a lie, I guess …i’m down to one last cry Kasabay ng pagtatapos ng awitin ay hindi ko namalayang tuluyan na ngang umagos ang luha ko….kasabay sa malakas na pagbuhos ng ulan… Tila pati langit ay nakiramay sa aking kabiguan. Tatlong oras na pala ako sa loob ng bar. Ilang bote na rin ng beer ang aking naubos. Nagpasya na akong umuwi. Ikinubli ng ulan ang bawat patak ng luha. Hindi ko pansin ang lamig ng tubig ulan, pakiramdam ko ay namanhid na ako sa ginaw. Ngayong gabi ay karamay ko ang langit sa aking kabiguan. Hindi ko inaasahan ang taong naghihintay sa aking pagdating. Si Jeff. Nakaupo sya sa sahig at tila nakatulog sa paghihintay. Ng maramdaman nya ang aking pagdating ay dagli syang tumayo. Si Jeff…. Si Jeff…. “Bakit basang-basa ka ng ulan?” “H-ha… a… e inabutan ako bigla sa labas…” pilit kong ikinukubli ang sakit na aking nadarama. “…hindi ka umattend ng klase mo. hinihintay kita…… umiiyak ka ba Naj?” “….ha? Hinde…” “Is there something wrong?” Gusto kong sabihin sa kanyang “Oo, meron. Kasi nasasaktan ako dahil mahal na pala kita…at may mahal kang iba…” “Wala… wala…” “Kilala kita Naj… you’re hiding something…” “Paano mo naman ako nakilala? You don’t know me well enough Jeff…” sarkastikong sagot ko sa kanya. “Of course I do… I know you may not believe this but I know you Naj… I asked myself several times if I should do this…. But I don’t see anything wrong about it Naj…. “ What is he talking about? “…. Now, wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Wala na akong pakialam kung ano man ang isipin nila… but I have to do this Naj… I have to say this… I love you…” Ha? Did he just say that he loves me? “Stop fooling around Jeff… If you’re just saying this dahil naaawa ka sa akin, please don’t. I know about you and Roxy. She’s my friend and I’d rather see her happy…kaya please… don’t make me suffer more… yes I’m in love with you but…” “Naj… Roxy and I are just friends… alam nya yon. Alam nya ang nararamdaman ko sa ‘yo. She in fact volunteered to tell you na about my feelings for you pero I told her na dapat ako ang magsabi… she is happy for both of us… natatakot nga sya ‘coz baka magalit ka kasi she told me about your feelings for me and that only boosted my courage to open up. I love you very much Naj. I have never said this to another man and I thought it would be akward but it seems so perfect. I was rather confused about my feelings before but each day only proves how much I love you and I can’t afford to lose you…. I know I look and sound stupid here but there is no turning back…. Sabi mo nga, I should take my chance than regret it for the rest of my life. Now I am taking my chance and I would like to take that chance to be happy with you Naj… with you… so please don’t take that chance away from me…” There’s no need for me to answer back. I couldn’t think of the right words to say. It was me all along. It was me… It was the sweetest moment of all. Si Jeffrey Angeles… ako…. kaming dalawa…
Epilogue
Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking hinahangaan ko noong una pa man ay nakahiga sa tabi ko. Mahimbing na natutulog. Hindi sya isang pangarap. Ang malagong kilay… ang matangos na ilong… ang manipis na labing bahagyang nakabuka. Marahan kong inilapat ang aking labi sa kanyang mga labi at muling kinabig ang kanyang katawan upang yakapin. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan… ang bawat paghinga nya… ang bawat pintig ng puso…. Pinagmasdan ko ang hubog ng hubad nyang katawan… ang makinis na balat… ang matipunong dibdib na dinantayan ng pinong balahibo na gumagapang pa-ibaba… Hindi ko na napigilan ang aking sariling damhin ang magkahalong lambot at tigas ng kanyang katawan….. kaytagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon… ang madama ang kanyang katawan sa aking katawan…. ang haplusin ang bawat hibla ng balahibo at marahang haplusin ng aking mga palad. Naramdaman ko ang unti-unting pagtugon ng kanyang katawan sa bawat paghagod ko. Dumilat ang kanyang mga mata… “I love you…..” nakangiting bati ko sa kanya “I love you more…” At kinabig nya ang aking ulo upang muling halikan. Mariin… puno ng pagmamahal. Halos magbaga ang aming mga labi sa init ng hiningang aming pinagsasaluhan. Tila isang tuksong pinagapang nya ang kanyang dila sa aking mga labi. Tinanggap ko ito sa pamamagitan ng marahang pagbuka ng aking bibig. Ipinasok nya ito sa loob at marahang tinukso ang aking dila. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at tumugon ako sa pagsayaw nito sa loob ng aking bibig. Namnamam ko ang tamis at init… nakapanghihina ang sarap ng kanyang halik. Tinutunaw nito ang natitirang pagtitimpi… hanggang sa tuluyan naming pagbigyan ang tawag ng pag-ibig. Isang butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata. Ang luhang naging saksi sa nadarama kong ligaya… ……………………………………………………….. “Nakakainggit kayo?” “Eh bakit kasi ayaw mo pang mag-boyfriend?” “Anong ayaw? Eh lahat yata ng gwapo at ideal boyfriend sa mundo eh bakla.” Katwiran ni Roxy. “Hahaha!” sabay naming tawa ni Jeff. “Bakit nga ganoon no?” “Ah… bahala ka… ang taas kasi ng standard mo.” sagot ni Jeff. “Jeff, di ba may brother ka?” “Yup…” “Pakilala mo naman ako o…” “Sira! First year highschool pa lang yon no.” sagot ko. “Pwede naman akong maghintay eh…” nakakalokang sagot ni Roxy. “Oo, by the time na ready na yung bata…. Matrona ka na…hahahaha!” I didn’t realize na habang nagsasalita ay pinagmamasdan lang pala ako ni Jeff. “Yes sweetie?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Wala lang… just want to say I love you…” “YUCCCKKK!!!!! Ang corny nyo…hahaha!!!!” kantyaw ni Roxy. Ganoon yata talaga pag inlove ka… you don’t mind if you’re the corniest people in the world as long as you were able to express what your heart truly desire. Jeff and I are celebrating our third year. Graduating na sya and I am holding a stable position naman in a construction firm. We are now working on our dreamhouse and our future and we can only hope that love would continue to grow and keep us together for the rest of our lives. The End.
